Evelio Javier: To Dream the Impossible Dream

Marami nga ang mga nalagas sa ating mga magagaling na pinuno noong panahon ng diktadurya ni Marcos. Sa ngayon, maaari kang magpahayag ng kawalan ng tiwala sa isang politiko at hindi ka (masyadong) matatakot. Hindi ka naman siguro matatagpuang patay pagkatapos ng iilang araw. Hindi ganyan noon. Kung tinuligsa mo si Apo Makoy, araw o baka nga oras lang ang bibilangin mo bago ka ipadampot at ipapatay. Kaya kami lahat noon ay natutong tumahimik.

Ngunit hindi naging ganoon ang lahat. Ilan sa mga pinakamagagaling ang hindi naging masaya sa pananahimik. Ilan sa kanila ang nagpatuloy sa pagpupunyaging maglingkod at magpahayag ng tama – kahit pa ito ay magdala sa kanila sa peligro.

Isa na diyan si Evelio Javier, ang kinilala noong evelio-javier-thenewstodaydotinfo.jpgpinakabatang Gobernador sa buong Pilipinas. Wala pa siyang tatlumpung-taon noong nagwagi siya sa kanyang probinsiyang Antique. Dalawampu’t-walong taonng gulang lamang siya noon at dadalawang taon pa lang mula noong nakakapasa sa Bar Exams. Nagturo muna siya sa Ateneo de Manila bago tumutok sa politika at paglilingkod sa kapwa. Siyam na taon siyang nanilbihan bilang Gobernador bago tumulak sa Amerika para mag-aral sa Harvard University para kunin ang kanyang Masters in Public Administration.

Sasabihin ng iba na, “Aba. Bakit pinag-uusapan pa iyan? Tapos na ang Martial Law nang mamatay iyang si Evelio Javier dahil 1981 pa lang tinanggal na ni Marcos ang Martial Law.”

Sabi nga ng ilang mga kaibigan sa media: ‘Yan ang press release. Sa totoo lang, kahit na pa sinabing wala na ang Martial law pagdating ng ika-17 ng Enero, 1981, nagpatuloy pa rin ang mapaniil na pamumuno ni Marcos hanggang napatalsik ito noong 1986.

Namatay si Ninoy Aquino noong 1983 at nagsilbi itong mitsa ng pag-aaklas. Hindi na kayang manahimik ng karamihan ng mga Pilipino at lumakas na talaga ang loob ng hindi iilan.

Ang kaibigan ni Ninoy na si Evelio Javier, noong nanghamon na si Marcos ng Snap Election sa ika-7 ng Pebrero, 1986, siniguradong tutulong siya sa nabalong asawa ni Ninoy na si Cory. Bahagi ito ng pagsasabuhay niya sa kanyang paboritong kanta sa dulang The Man of La Mancha, “The Impossible Dream.” Ano nga ba ang pangarap noon? Maibalik ang kalayaan sa isang bansang patuloy na nilalapastangan para sa kabutihan ng iilan.

Kahit anupaman ang naging kinahantungan ng halalan sa Maynila, nagwagi si Cory laban kay Marcos sa Antique at isa si Evelio Javier sa mga dahilan dito. Hindi nga lang alam ni Evelio na apat na araw na lang siyang mabubuhay.

bulletsjavier.jpg

Ang lugar kung saan siya tuluyan nang bumagsak.

Alas-diyes ng umaga noon at nakatambay lang si Evelio sa tapat ng Kapitolyo ng Antique. Nagpapahinga siya sa mga pakikipagtalo sa pagbibilang ng boto. Sabi ng iba, may dumating na jeep lulan ang ilang armadong mga lalaking may takip ang mga mukha. May dala silang mga mahahabang baril at tinugis nila si Evelio.

Dahil nakita sila agad ni Evelio at ng ilan nitong kasama, tumalilis agad siya papalayo. Nagsigawan ang mga tao sa kanya ng “Takbo, Evelio, takbo!” (Malamang, “Dalagan, Evelio, dalagan!” ang talagang sinigaw nila.)

Pinilit niyang pa-ekis-ekis ang takbo para hindi siya agad matamaan pero may tumama rin sa kanya at nadapa siya sa isang fish pond.

Hinakot pa niya ang kanyang sarili at dito niya kinailangang isipin kung saan nga ba siya tutungo. Para sa marami, simple ang sagot: Pumunta ka sa kung saan maraming tao para hindi ka madaling makita ng tumutugis sa iyo.

Hindi gayon ang naging pasya niya. Inisip niyang magtago na lang. Delikado para sa maraming tao kung susuong siya sa paligid nila. Marami ang mamamatay.

Tiniis niya ang sugat niya at tumakbo patungo sa isang kubeta sa likod ng isang tindahan. Dito na siya napuruhan ng humahabol sa kanya. Pinaputukan nang ilang beses ang nakasarang pinto ng kubetang ito. Nang binuksan nito ang kubeta, nakita si Evelio na nakabulagta na sa sahig at hawak ang isang duguang rosaryo. Sabi ng iba, nagtanggal ng takip sa mukha ang taong ito at hinamon pa ng away si Evelio tapos pinaputukan ito sa ulo.

javier_then_webMalaki ang hinala ng mga taga-Antique na ang karibal sa politika na si Arturo Pacificador ang nagpapatay kay Evelio. Hindi nga lang alam kung isa ito sa nagsagawa ng pagpatay. Kahit na nakulong ito noong mga 1996, pinalaya ito noong 2004 ngunit nahatulan ng bilanggong panghabambuhay ang walo pang taong pinaghinalaang kasabwat niya.

Kung naging mitsa ng pag-aaklas ang pagkamatay ni Ninoy Aquino, ang pagpatay naman kay Evelio Javier ang isang naging dahilan sa pagsisimula ng People Power Revolution na natapos noong ika-25 ng Pebrero – dalawang linggo lang pagkatapos ng pagkamatay ng dakilang Antiqueño.

Kahit na pa pilit na pinatahimik ng mga kaalyado nina Marcos si Evelio Javier, hanggang ngayon, pinararangalan pa rin siya ng pinanggalingan nitong paaralang Ateneo de Manila na ibinibigay pa-minsan-minsan ang Evelio Javier Award sa estudyanteng pinakanaging totoo sa tawag ng paaralang maging “Tao para sa Kapwa”.

Ito ang naging pabaon ni Evelio sa kanyang probinsiya at sa kanyang bayan. Oo, namatay nga siya pero patuloy ang pagkilala sa kanyang naging pag-alay ng buhay.

34-brutal-din-na-tinugis-at-araw-ang-nakalipas

Ang kanyang balo sa kanila huling pagpapaalam

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s